Dagdag sweldo sa mga kawani ng Gobyerno, ipa-prayoridad din sa kamara

session inq fileTiniyak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na bibilisan ng Kamara ang approval ng panukalang 226 Billion Pesos 4-year “Salary Standardization Law of 2015” o SSL 2015.

Ayon kay Belmonte, pag-aaralan naman ng husto ng mga kongresista ang SSL 2015, at ipapasa ito sa lalong madaling panahon upang maihabol sa target na 2016 implementation.

Naniniwala si Belmonte na napakahalaga ng naturang panukala, lalo’t magbibigay ito ang economic relief sa mga manggagawa at opisyal ng gobyerno. “We will study and pass it in time for 2016 implementation becasue we believe that this is a very important measure that will provide economic relief to our state workers,” ani Belmonte.

Sa panig naman ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab, posibleng ipasa sa kanyang lupon ang panukala bukas, November 11.

Umaasa rin si Ungab na walang kokontra sa nabanggit na proposal, na mismong inendorso ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kapag naisabatas ang SSL 2015, ang nasa 1.53 million state workers at officials ay makatatanggap ng 14th month pay, sa unang taong implementasyon nito sa 2016.

Bukod sa 14th month pay, ang average lowest increase sa unang taong implementasyon ay nasa limang daang piso kada buwan, sa ilalim ng Salary Grade 1.

Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang P9,000, aabot na ito hanggang sa P9,478 sa unang taon, at tataas sa P11,068 sa ika-apat na taon.

Sa 1st year of implementation, ang sweldo ng Presidente ay tataas na sa P160,924, at aabot sa halos P400,000 sa ika-apat na taon, sa ilalim ng Salary Grade 33.

Read more...