1 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa EDSA

Nov 10 Erwin
Kuha ni Jun Corona

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa isa pang motrsiklo habang binabagtas ang northbound lane ng EDSA sa Quezon City.

Naganap ang aksidente pasado alas 5:00 ng umaga sa bahagi ng EDSA kanto ng NIA Road.

Ayon sa isa sa mga driver ng motorsiklo, habang binabagtas niya ang EDSA ay nagulat na lamang siya na sumalpok sa kaniyang likuran ang isang motorsiklo.

Humandusay naman sa kalsada ang driver ng sumalpok na motorsiklo at ilang minuto ring hindi nakatayo.

Halata namang nakainom ang nasabing motorcycle rider na tumangging magpakilala.

Dahil sa nasabing aksidente, bahagyang naapektuhan ang daloy ng traffic sa northbound lane ng EDSA.

Read more...