Papangalanan itong ‘Samuel’ pagpasok ng bansa.
Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,100 kilometro Silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras sa direksyong pa-Kanluran.
Inaasahang tatama ang bagyo sa Visayas o Hilagang Mindanao sa Martes at lalabas ng PAR sa Huwebes.
Pinaghahanda ng PAGASA ang publiko partikular ang mga nasa Visayas at Mindanao sa naturang bagyo.
Sa ngayon ay nakakaapekto ang northeast monsoon o Hanging Amihan sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Maaliwalas na panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstoms.