Nakipag-pulong ang Pangulo sa mga business leaders sa summit ng chief executive officers ng APEC Business Advisory Council (ABAC) Sabado ng umaga.
Pero wala na si Duterte sa gala dinner at si Trade Sec. Ramon Lopez na ang dumalo.
Dahil dito, hindi kasama ang Pangulo sa tradisyunal na family picture ng world leaders para sa 2018 APEC.
Una nang sinabi ng Malakanyang na hindi na makakadalo ang Pangulo sa natitirang events ng APEC Summit dahil agad itong babalik sa Pilipinas dahil sa umanoy “urgent domestic developments.”
MOST READ
LATEST STORIES