Tema ng performance ng NU ang Coco ng Disney-Pixar.
Nagpakita ang Cheerdance champion ng hindi matawarang routine para makuha ang ika-5 titulo sa nakalipas na 6 na taon.
Sa UAAP Season 80 ay fifth place ang NU, pinakamababang standing makalipas na magtapos sa sixth place noong 2011.
Pero muling ipinakita ng NU na ito pa rin ang pinaka-malakas na cheerdance team.
Halos near perfect ang dance routine ng NU Pep Squad at nagpakita ng pinaka-magandang transition sa K-motion na sinundan ng trademark stunt ng unibersidad na Scorpions.
Tinapos ng NU ang kanilang routine sa pamamagitan ng pyramid na binuo sa pamamagitan ng limang 360s na nag-transition sa V-motion pyramids.
Samantala, matapos na hindi makapasok sa top 3 noong nakaarang taon, itinanghal na first runner up ng Far Eastern University Cheering Squad sa pamamagitan ng kanilang “funky” cheerdance style.
Nakuha naman ng 2017 cheerdance champion Adamson Pep Squad ang bronze medal sa ipinamalas nitong “animalistic theme.”