Paolo Duterte: Hustisya hindi paghihiganti ang gusto ko kay Trillanes

Hindi paghihiganti kundi hustisya umano ang nais ng presidential son na si Paolo Duterte.

Pahayag ito ng dating Davao City vice mayor matapos sabihin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na target ni Paolo ang pwesto sa kongreso para sa 2019 elections para gantihan o balikan si Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang talumpati sa Papua New Guinea, sinabi ng pangulo na gaganti ang anak na si Paolo.

Tatakbo anya ito bilang congressman para tabla sila ni Trillanes.

Sinabi naman ng nakababatang Duterte na bukod sa isyu kay Trillanes ay paglalaanan niya ng panahon ang mga Davaoeños.

Blessing anya sa mga Pinoy na magtatapos na ang termino ng senador na nag-imbento umano ng mga kasinungalingan laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Read more...