4 sundalo patay sa labanan sa Patikul, Sulu

Radyo Inquirer

Patay ang apat na sundalo sa engkwentro sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command,  nagsasagawa ang military operation ang mga tauhan ng Philippine Army sa Barangay Liang nang makasagupa ang grupo ni Hatib Hajan Sawadjaan kaninang umaga.

Sinabi ni WestMinCom Spokesman Lieutenant Colonel Gerry Besana, labing-siyam din ang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Ang mga labi ng mga namatay na natuhan ng militar ay  nakatakdang dalhin sa Zamboanga City bago iuwi sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Pansamantala munang hindi isinapubliko ang pangalan ng mga namatay at sugatan habang dahil kinakailangan munang abisuhan ang kanilang mga pamilya.

Hindi naman matiyak ang bilang ng mga nasawi sa panig ng mga bandido.

Read more...