Itinuro ng US intelligence si Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman na siyang utak sa pagdukot at pagpatay sa Saudi journalist na si Jamal Khashoggi.
Sinabi sa isang ulat na na nag-leak sa Pentagon na mismong si Salman ang nag-utos sa pagpatay sa mamamahayag dahil sa pagiging kritikal nito sa Royal family.
Nauna dito ay ipinag-utos ng Trump administration ang sanction sa mga taong sangkot sa pagpatay kay Khashoggi na sinasabing pinagputol-putol ang katawan.
Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang mga bahagi ng katawan ng nasabing mamamahayag.
Nauna dito ay sinabi ng Turskish government na sila ay kumbinsido na pinatay si Khashoggi ng isang Saudi special force team na pumasok sa Turkey para lamang sa nasabing partikular na dahilan.
Makaraan ang pamamaslang ay kaagad ring umalis sa nasabing bansa ang mga killer ni Khashoggi na pinaniniwalaang pinatay sa loob ng Saudi consulate.
Umaasa naman ang mga opisyal ng Trump administration na kaagad ring aaksyon ang kanilang kongreso para sa mas mabigat na pressure sa Saudi government kaugnay sa nasabing pamamaslang.