5,000 pulis ikakalat sa state visit ni Chinese President Xi Jinping

Malacañang photo

Handa na ang seguridad na inilatag ng Philippine National Police (PNP) sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa November 20 hanggang 21.

Ipinaliwanag ni PNP Higway Patrol Group Director Roberto Fajardo na umaabot sa 5,000 tauhan ng National Capital Regional Police Office at HPG ang magbabantay sa buong deligasyon ng Chinese president.

Pero nilinaw ni Fajardo na ang Presidential Security Group pa rin ang magsisilbing closed-in security ng nasabing lider.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Fajardo kung pupunta rin sa Davao City ang Chinese leader na nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na iimbitahan niya ang opisyal na bumisita sa kanilang bahay.

Kaugnay pa rin sa pagbisita ni Xi, naglaan ang PNP-HPG ng 12 patrol vehicles at 33 motorcycle units para sa kanyang convoy at seguridad.

Read more...