Umakyat na sa 63 ang patay at 630 ang nawawala sa nagpapatuloy na wildfire sa California.
Sa ulat ng California Department of Forestry and Fire Protection, umaabot na sa 57,000 heactares ng lupain ang apektado ng sunog.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 12,000 mga bahay at establishmento ang nasunog ayon pa sa mga otoridad.
Pahirapan rin ang pagkilala sa mga sunog na bangkay kaya dumepende na lamangs DNA ang mga arson investigators.
Pinaka-apektadong lugar ay ang Paradise town sa paanan ng Sierra na matatagpuan sa Hilagang bahagi ng San Francisco.
Apektado rin ng sunog ang bahagi ng Malibu area na kilalang lugar ng ilang mga celebrities.
Nauna nang sinabi ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) na ito na ang pinakamalalang kaso ng sunog sa US sa kasalukuyang panahon.
Nagpadala na rin ng dagdag na 300 national guards ang pamahalaan sa apektadong mag lugar para tumulong sa paghahanap sa mga nawawala dulot ng malaking sunog.