Bagyo sa labas ng PAR, posibleng pumasok na bukas at pangangalanang ‘Samuel’

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang tropical depression sa labas ng bansa.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 1,615 kilometro Silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong pa-Kanluran.

Wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ngunit inaasahang papasok na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, o sa araw ng Lunes at pangangalanang ‘Samuel’.

Posibleng maapektuhan na nito ang panahon sa Visayas at Mindanao mula sa Lunes.

Ngayong araw, nakakaapekto ang Northeasterly Surface Windflow sa Northern Luzon at inaasahang magdadala ng may kalamigang panahon.

Magandang panahon ang mararanasan sa buong bansa maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Read more...