Duterte ipinagtanggol ang kanyang pangangampanya sa Papua New Guinea

Dumepensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ginawang pangangampanya sa Papua New Guinea para sa kanyang mga manok sa 2019 senatorial elections.

Sa isang event para sa Filipino Community sa naturang bansa, inendorso ng punong ehekutibo ang kandidatura sa Senado ni dating Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

Nagbiro ang pangulo na hindi bawal ang pangangampanya lalo’t wala naman anya siya sa Pilipinas.

Iginiit ng pangulo na ang taong gumagawa ng krimen ay lilitisin lamang sa bansang kanyang pinagsagawaan nito.

Sa kaso niya anya, wala dapat pakialam ang mga tao sa pangangampanya niya sa Papua New Guinea.

Inendorso rin ni Pangulong Duterte si dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go at si Freddie Aguilar.

Read more...