PT&T umapela sa SC matapos madiskwalipika sa bidding para sa 3rd telco

Iniakyat sa Korte Suprema ng Philippine Telegraph & Telephone Corp. (PT&T) ang kanilang apela matapos ma-disqualify sa selection process para sa 3rd telco.

Nagpadala ng liham sa National Telecommunications (NTC) ang PT&T para ipabatid dito na dumulog sila sa Mataas na Hukuman.

Ngayong din ng Biyernes, November 16 ang huling araw para sa PT&T upang makapagjain ng apela sa NTC En Banc.

Ilang minuto bago mapasok ang deadline, natanggap ng NTC ang liham ng PT&T na nagsasabing dumulog na sila sa SC.

Ang PT&T ay nadiskwalipika kasama ang Sear Consortium sa isinagawang selection process para sa third telco.

 

Read more...