Payo ni Pang. Duterte sa publiko: Mag-ingat sa Magdalo, “buwang” sila gaya ng ISIS

Photo from Sec. Manny Piñol

Tinawag na buwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Party-list.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Papua New Guinea, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat maging maingat sa Magdalo na inihalintulad niya sa Iternational terrorist group Islamic State (ISIS).

Ani Duterte, ang Magdalo ay mga rebeldeng sundalo na nagkalat sa Makati City.

Binanggit din ni Duterte si Senator Antonio Trillanes IV na aniya ay wlang ginawa kundi maghamon at pagkatuwaan ang mga tao.

Read more...