19-anyos nasawi sa matapos ma-high sa sininghot na deodorant spray

Patay ang isang 19-anyos matapos ma-high sa sininghot na deodorant spray sa Netherlands.

Ayon kay Dr. Kelvin Harvey Kramp ng Maasstad Hospital sa Rotterdam, itinuturing nilang “very rare” ang pangyayari.

Pero gagamitin aniya nila ang kasong ito para maipabatid sa publiko na nakamamatay ang deodorant inhalation.

Ang nasawing pasyente ay mayroong history ng psychotic symptoms at na-admit na noon sa rehabilitation center dahil sa cannabis at ketamine abuse.

Ayon kay Dr. Kramp, sinadyang langhapin ng pasyente ang deodorant spray para ma-high.

Matapos ito, naging hyperactive sya, nagtatalon, bago tuluyang huminto ang kaniyang blood flow na nagresulta ng cardiac arrest at kaniyang ikinasawi.

Read more...