Dalawang petisyon ang nakabinbin sa Comelec na humihiling na ibasura ang kandidatura ni Pimentel na inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Biliran Rep. Glenn Chong.
Sa kaniyang petisyon, sinabi ni Topacio na dalawang termino lamang pwedeng manilbihan ang isang senador, at sa kaso aniya ni Pimentel ay natapos na nito ang dalawang termino kaya hindi na siya pwedeng tumakbo ulit sa 2019.
Paliwanag ni Pimentel, 2011 siya nag-assume sa pwesto bilang senador matapos siyang mag-protesta laban kay Sen. Juan Miguel Zubiri.
Matapos maupo sa senado noong 2011 ay nanalong muli noong 2013 elections si Pimentel.
Ayon sa senador, ang involuntarily interrupted term ay hindi pwedeng ikunsidera bilang isang termino na.
Kung bibilangin kasi ay sa para sa unang termino, 1 taona t 10 taon lang ang napanilbihan niya.