Pagsibak sa alkalde sa isang bayan ng Camarines Sur pinagtibay ng SC

Pinagtibay ng Korte Suprema ang parusang pagkakasibak sa pwesto sa alkalde ng Camarines Sur dahil sa maanomalyang pagpaparenta sa isang public property.

Ibinasura lamang ng SC ang petition for review ni Mayor Melquiades Gaite ng Baao, Camarines Sur.

Ayon sa SC, hindi nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Office of the Ombudsman nang sabihin nitong may sapat na batayan para kasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Gaite.

Pinarenta kasi ni Gaite ang bahagi ng public market ng bayan sa loob ng 25 taon.

Sinabi ng SC na walang basehan para ipawalang bisa ang naging pasya ng Ombudsman.

Paliwanag ng Korte Suprema nasa Ombudsman ang diskresyon sa pagtukoy ng probable cause sa panahon ng preliminary investigation sa reklamo.

Read more...