Bilang ng mga hotel sa Boracay na pinayagang tumanggap ng turista umabot na sa 211

Kuha ni Isa Umali

Umabot na sa 211 na mga hotel and resort sa Boracay ang pinayagang tumanggap ng mga turista.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), nadagdagan ng 19 ang bilang ng mga establisyimento na nabigyan ng akreditasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF).

Sa huling listahan kasi na inilabas ng Task Force, nasa 192 ang bilang ng mga accredited na establisyimento.

Ang 211 na mga hotel and resort na pinayagang makapag-operate ay mayroong available rooms na 8,739.

Read more...