PPCRV may bago nang chairperson

CBCP Photo

May bago nang chaiperson ang poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Nahalal sa isinagawang eleksyon Biyernes, Nov. 16 si Myla Villanueva bilang bagong chaiperson ng PPCRV.

Si Villanueva ay mayroong 30-taon karanasan sa local at global technology industry.

Ayon kay PPCRV chairperson emeritus Henrietta De Villa, makatutulong sa pagbabantay ng PPCRV sa 2019 elections ang karanasan ni Villanueva sa teknolohiya.

Si Villanueva ay kasalukuyang CEO ng Micro-D International Inc.

Mayroong apat na taon sa bawat termino ang mga opisyal ng PPCRV o walong taon kung kasama ang ikalawang termino.

Matagal na ring poll watcher volunteer ng PPCRV si Villanueva.

Read more...