Laban ni Floyd Mayweather Jr. sa Japanese kickboxer, tuloy na muli

Photo from RIZIN Fighting Federation

Tuloy na ulit ang laban ni Floyd Mayweather Jr., sa Japanese Kickboxer na si Tenshin Nasukawa.

Inaunsyo ito ng Japan promoter na RIZIN Fighting Federation, matapos na sabihin kamakailan ni Mayweather na hindi matutuloy ang laban.

Ayon sa RIZIN, tuloy na ang laban sa New Year’s Eve, Dec. 31.

Naayos na umano ang “misunderstanding” kay Mayweather at handa na itong harapin si Nasukawa.

Magpapatawag ng press conference ang promoter para ilahad ang iba pang detalye.

Noong unang linggo ng Nobyembre, sinabi ni Mayweather sa pamamagitan ng Instagram na walang laban na magaganap sa pagitan nila ng kickboxer.

 

Read more...