Year-end bonus at cash gift ng mga pulis natanggap na

Natanggap na ng mga tauhan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang yea-rend bonus.

Ayon sa PNP, nai-release na ang kabuuang P7, 011,056,073.55 para sa 2018 year-end bonus ng nasa 191,619 na aktibong uniformed at non-uniformed PNP personnel sa buong bansa.

Sinabi ng PNP Finance Service na ang year-end bonus ay credited na sa ATM payroll accounts ng bawat PNP personnel.

Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary ng pulis kasama pa ang P5, 000 cash gift mula sa pamahalaan.

Pero ayon kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde ang yearend bonus ng mga pulis na may nakabinbing administrative at criminal cases ay hindi muna ini-release bilang bahagi ng PNP disciplinary policy.

Read more...