Dalawang sasakyan na may plakang number 8 kinumpiska ng HPG

INQUIRER.net Photo | CATHRINE GONZALES

Dalawang sasakyan na mayroong plakang number 8 ang nasa kostodiya ngayon ng PNP-Highway Patrol Group.

Ang dalawang sasakyan na isang Ford at isang Chevrolet ay kinumpiska sa Pasig City.

Ayon sa HPG, inirereklamo ng mga opisyal ng barangay ang nasabing mga sasakyan dahil sa kalsada ito ipinaparada.

Ang isa sa mga sasakyan nakitaan pa ng blinkers at wang-wang ng HPG na ipinagbabawal ikabit sa mga pribadong sasakyan.

INQUIRER.net Photo | CATHRINE GONZALES

Sinabi ng HPG na tanging mga emergency vehicles lang ng gobyerno ang pwedeng lagyan ng wang-wang at blinkers.

Ang kulay pulang Chevrolet naman may nakadikit na sticker ng seal ng Office of the President.

Nakikipag-ugnayan na ang HPG sa may-ari ng dalawang sasakyan na pagmumultahin at tatanggalan din ng blinkers at protocol plates ang dalawang SUV.

 

Read more...