MRT-3 nakapagtala ng pinakamatagal na no-unloading streak

Nakapagtala ng bagong record ang MRT-3 sa pinakamatagal na no-offloading streak o hindi pagkakaroon ng unloading incidents.

Sa datos mula sa MRT-3, 31 araw nang hindi nakapagtatala ng unloading incident sa kanilang mga biyahe.

Ito ay mula October 16 hanggang November 15, 2018.

Mas mahaba ito kumpara sa 29 na magkakasunod na araw na walang naitalang unloading incident noong July 4 hanggang August 1, 2018.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 ito na ang longest no-unloading streak sa tren mula 2011.

Read more...