Tatakbong konsehal sa Pangasinan, patay sa pananambang

FB Photo

Nasawi matapos tambangan sa Bayambang, Pangasinan ang isang dating konsehal na muling kakandidato sa susunod na eleksyon.

Naglalakad malapit sa kaniyang bahay sa Barangay Poblacion si Levin Uy nang ito ay pagbabarilin.

Sugatan din ang kasama nitong si Cesar Salosagcol matapos tamaan ng bala.

Isinugod pa sa pagamutan si Uy pero hindi na ito umabot ng buhay.

Si Uy ay dating konsehal ng bayan, at naghain ng kandidatura para muling tumakbo sa 2019 elections.

Siya rin ay chairman ng Kasama Ka sa Barangay Foundation.

Read more...