SUV sa viral road rage video na-recover sa QC; plaka at kulay, binago

SCREENGRAB FROM RAKIZIM KIMPOLOLOY FACEBOOK PAGE

Na-recover na ng mga pulis ang sasakyan sa viral road rage video na mayroong plakang number 8.

Pero nang makuha ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group ang sasakyan, nabago na ang plaka nito at iniba rin ang kulay.

Mula sa dating kulay asul, naging kulay itim na ang SUV habang wala ang number 8 na plaka at sa halip ay AVA 8781 na ang plate number nito.

Nakuha ang sasakyan sa Novaliches, Quezon City.

Dahil sa binagong itsura ng sasakyan, ang road rage suspect na si Jojo Valerio ay mahaharap sa karagdagang kaso dahil pinapinturahan ng iba ang SUV nang walang permismo mula sa Land Transportation Office at HPG.

Naaresto si Valerio noong Miyerkules pero pansamantala itong nakalaya matapos magpiyansa sa kasong physical injuries, grave threat at usurpation of authority.

Read more...