Ethel Booba, may reaksyon sa pag-alis ng Panitikan subject sa Kolehiyo

May reaksyon si Ethel Booba sa pasyang alisin na ang Filipino subject sa kolehiyo at pag-aralan naman ang Korean language sa mga high school.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Ethel na nabalitaan niyang aalisin na ang Filipino Subject sa college at magkakaroon naman ng foreign language gaya ng Korean.

Biro ni Ethel, ang dahilan nito marahil ay ang pagiging Koreano ng “pambansang bayani” na si “Rizal Park”.

Marami naman ang nagbigay ng reaksyon sa tweet ni Ethel.

Ayon sa isang netizen hindi naman siya tutol na pag-aralan ang ibang lenggwahe pero hindi dapat alisin ang sarili nating lenggwahe lalo pa at hindi pa nga bihasa dito ang marami.

 

Read more...