Dedesisyunan na ng korte sa Makati ang mosyon na inihain ng Department of Justice at ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ang mosyon ng magkabilang panig ay kaugnay sa naging pasya ng Makati RTC Branch 148 hinggil sa hirit ng DOJ na magpalabas ito ng warrant of arrest laban sa senador.
Sa mosyon ni Trillanes hiniling nitong ideklara ng korte na ilegal o labag sa Saligang Batas ang proclamation ni Pangulong Duterte na nagbabawi sa kaniyang amnestiya.
Ang mosyon naman ng DOJ ay humihiling sa korte na muling ikunsidera ang naging pasya pabor sa senador.
Ayon kay Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes, submitted for resolution na ang usapin at inaabangan ang magiging pasya ni Judge Andres Soriano.
Samantala, sa Makati RTC BRanch 50 naman inaabangan din ang resolusyon ng korte sa motion for reconsideration na inihain ng senador.