1 patay sa sunog sa Valenzuela

Isa ang nasawi sa sunog na naganap sa Valenzuela City, Biyernes (Nov. 16) ng umaga.

Nagsimula ang sunog pasado alas 6:00 ng umaga sa C. Molina Street, Barangay Viente Reales.

Nakilala ang nasawi na si Rolando Argote, 56 anyos na hindi na nagawang makalabas sa nasunog niyang bahay.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang under control bago mag alas 7:00 ng umaga.

Maliban sa bahay ni Argote, aabot sa nasa 12 bahay pa ang nadamay sa sunog.
Inaalam pa ngayon ng Valenzuela City Fire Department kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Read more...