Trump at Kim muling magpupulong sa susunod na taon

AP

Kinumpirma ni US Vice President Mike Pence na muling magkikita sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa susunod na taon.

Ayon kay Pence sa muling pagkikita ng dalawa ay isusulong ang plano para sa pagwawakas ng arms programs ng Pyongyang.

Magaganap aniya ang pulong sa unang bahagi ng 2019 pero pinag-uusapan pa kung saan ito gagawin.

Noong Hunyo ay isinagawa ang unang summit sa pagitan nina Trump at Kim na ginanap sa Singapore.

Read more...