Lalaki nahulog mula sa isang tower sa Iloilo

Isang lalaki ang nahulog makaraang umakyat sa isang tower sa bayan ng Tigbauan sa Iloilo.

Ligtas naman ang lalaki dahil nakapaglatag agad ng foam ang mga rescuer kaya doon ito bumagsak.

Ang tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay may taas na katumbas ng isang gusali na 11-palapag.

Limang oras ding nasa itaas ng tower ang nasabing lalaki.

Ayon sa mga otoridad, dumaranas ng nervous breakdown ang lalaki na agad isinugod sa pagamutan.

Read more...