Taga-Eastern Samar na nanalo sa Ultra Lotto, namudmod ng balato sa mga kababayan

Ibinahagi ng maswerteng Ultra Lotto jackpot winner ang kaniyang premyo sa kaniyang mga kababayan sa Borongan City, Eastern Samar.

Sa Borongan City, pumila ang mga empleyado ng City Hall sa City Treasurer’s Office para kunin ang tig- 5 libong pisong balato.

Ang jackpot winner ay nagpadala ng P4.8 million na halaga ng tseke sa Borongan City Hall.

Nabatid na noong Agosto ganap na naging regular na empleyado ng City Hall ang jackpot winner.

Naglaan din ang jackpot winner ng P5 million para naman ipamahagi sa bawat pamilya sa kaniyang barangay.

Maging ang mga tricycle driver sa lugar ay babalatuhan din.

Dati kasing suma-sideline bilang tricycle driver ang maswerteng nanalo.

Read more...