Ang low pressure area (LPA) na nagdulot ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao sa mga nakalipas na araw ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 435 kilometro Kanluran ng Puerto Princesa at posible pa ring maging bagyo.
Samantala kahit nakalabas na ng PAR ang LPA, makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang buong Palawan at Western Visayas.
Generally fair-weather o magandang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Ang tropical depression naman na nasa labas ng PAR ay huling namataan sa layong 2,310 kilometro Silangan ng Mindanao.
Inaasahan itong papasok ng PAR sa Linggo at papangalanang Samuel.
Posibleng umabot sa Severe Tropical Storm category ang bagyo.
Inaasahan itong tumama sa CARAGA region araw ng Martes at dadaan ng Central at Western Visayas at Palawan.