M3.5 na lindol naitala sa Negros Oriental

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Negros Oriental ala-1:36 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Vallehermoso.

May lalim ang pagyanig na 19 na kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring pinsala sa mga ari-arian na naidulot ang pagyanig.

Read more...