Pugante patay sa pamamaril sa North Cotabato

Nasawi ang isang lalaki, habang kritikal naman ang isa pa, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Alimudin Abdullah alyas Baser, habang ang kanyang kasama naman ay si Antonio Silvano.

Kapwa pugante sina Abdullah at Silvano mula sa North Cotabato District Jail noong 2017.

Ayon kay Pikit Municipal Police chief, Chief Inspector Teng Bacal, sakay ng isang motorsiklo patungong Barangay Inug-ug ang dalawa nang salubungin ng mga salarin at walang habas na pagbabarilin.

Ayon kay Bacal, mayroong posibilidad na personal na away ang dahilan ng pag-atake.

Read more...