PCW suportado ang pagkakaroon ng imbestigasyon sa sexual harassment incident sa Miss Earth

Kasali na ng Philippine Commission on Women (PCW) sa maraming nagsusulong na magkaroon ng imbestigasyon tungkol sa sinasabing sexual harassment na naganap nitong katatapos lamang na Miss Earth pageant sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng PCW na sa pamamagitan ng inihaing Senate Resolution No. 932 ni Senadora Risa Hontiveros ay malilinawan ang lahat tungkol sa naturang insidente.

Bukod pa aniya ito sa lulutang na policy gaps patungkol sa sexual harassment.

Kailangan din umanong masolusyunan na ang gender-based violence na nagaganap sa bansa.

Sa kaparehong pahayag ay pinuri ng PCW ang mga kandidatang nagbahagi ng kanilang karanasan.

Hinimok rin ng komisyon ang iba pang mga biktima ng pang-aabuso na magsalita at isuplong ito sa mga otoridad upang makuha nila ang hustisyang nararapat para sa kanila.

Dagdag pa ng PCW, sa datos noong 2017, limang porsyento ng mga kababaihan sa pagitan ng edad na 15 hanggang 49 ang nabiktima na ng pang-aabuso.

Read more...