100 barung-barong giniba sa Itogon, Benguet

PNA

Nagsagawa ng demolisyon ang mga otoridad sa ‘no-build zone’ sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, noong October 26 pa nagsimula ang demolisyon, kung saan 102 mga barung-barong ang giniba.

Aniya, magpapatuloy ang kanilang operasyon hangga’t hindi nila natatanggal sa lugar ang lahat ng mga shanties o barung-barong.

Sa pamamagitan ng Administrative Order No. 23, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Itogon ang paggiba sa nasa 720 mga barung-barong sa danger zone, kasunod ng naganap na landslide sa lugar sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Mula sa naturang bilang, 25 barung-barong ang boluntaryong giniba ng mga may-ari nito.

Ani Palangdan, wala silang target date kung kailan dapat matapos ang demolisyon.

Read more...