Welder patay sa pamamaril sa Caloocan City

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay 176, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Isidro Denaga, 47 taong gulang na residente ng Baong Silang at isang welder.

Nabatid na sakay ng isang pampasaherong jeep ang biktima kasama ang kanyang kapatid nang biglang lapitan ng suspek na nakilalang si Jaypee John Pagarigan.

Walang pag-aatubili ay pinagbabaril ni Pagarigan si Denaga na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang balikat at tiyan.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang suspek.

Isinugod pa sa Tala Medical Hospital si Denaga, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad si Pagarigan habang inaalam ang motibo sa pamamaslang.

Read more...