Pangulong Duterte papuntang Papua New Guinea para sa 19th APEC summit

Matapos ang pagdalo sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore, nakatakdang dumating ngayong umaga sa Port Moresby, Papua New Guinea si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay upang daluhan naman ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit mula bukas November 17 hanggang 18.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inaasahang itutulak ni Duterte ang mas malalim na ugnayang panrehiyon para sa mas magandang trade relations.

Pag-uusapan sa summit ang kalakalan, pamumuhunan, seguridad at iba pang isyu na kinahaharap ng Asia-Pacific region.

Ayon kay Panelo, ilan sa mga isyung kinahaharap ng rehiyon ay terorismo, pamimirata at extremism.

Samantala, bago ang summit bukas ay makikipagkita muna ngayong araw si Duterte sa Filipino Community sa Papua New Guinea.

Nasa higit 40,000 ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa naturang bansa.

Inaasahang babalik na ng Davao City ang punong ehekutibo Linggo ng gabi.

Read more...