14th month pay para sa pribadong sektor isinusulong ng isang mambabatas

Dapat din umanong matamasa ng mga empleyado sa pribadong sektor ang 14th month pay at P5,000 cash bonus na ibinibigay sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Kabayan Representative Ron Salo, deserve rin ng mga private employees ang 13th at 14th month pay, hindi lamang dahil sa humanitarian reason kundi dahil gaya ng regular government employees, nagsisilbi rin sa publiko ang mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.

Kukumbinsihin aniya ng Kabayan party-list ang mga kasamahan sa Kongreso nang maamyendahan ang Labor Code para maging mandatory ang 14 month pay at year-end bonus para sa kapakinabangan ng mga Pilipino at ekonomiya ng bansa.

Umaasa si Salo na susuportahan ng small, medium and large scale businesses ang kanilang panukala.

Maaari rin aniyang gumawa ng paraan ang Department of Labor and Employment (DOLE) para magkaroon ng exemption sa ilang regulasyon ang mga complying business.

Read more...