Inanunsyo na ng Malacañang ang nakatakdang state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa November 20 hanggang 21 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang kauna unahang state visit ng pangulo ng China sa bansa sa nakalipat na labing-tatlong taon.
Sa state visit, inaasahang magkakapalitan ng kuro-kuro sina Xi at Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mutual concern ng dalawang bansa pati na ang Philippine bilateral relations.
“Upon the invitation of President Rodrigo Roa Duterte, Chinese President Xi Jinping will undertake a State Visit to the Philippines from 20-21 November 2018. It will be the first State Visit of a Chinese President in 13 years”, bahagi ng pahayag ng kalihim.
Matatandaang patuloy na inaangkin ng China ang ilang bahagi sa South China Sea na pag-aari ng Pilipinas.
Sa pagdalo ng pangulo sa Asean Summit sa Singapore ay sinabi nito na hindi makakabuti ang anumang uri ng military exercise sa South China Sea sa kasalukuyan.
At kung mauuwi sa digmaan ang tensyon sa nasabing lugar ay tiyak na unang magiging casualty ay ang Pilipinas.