I’m thankful, I’m still here – Ronnie Liang 12 years na!

God is good sambit ng boses sa likod ng hit song na “Ngiti” na si Ronnie Liang sa kanyang 12 years sa entertainment industry.

May bagong self-titled album “Ronnie Liang,” na ang “R” sa “Ronnie” ay spelled as 12. Swerteng numero ito para sa actor-singer dahil sa kabila ng mga pinagdaanan sa showbiz ay nananatiling nakatayo at kumakanta para sa kanyang mga tagahanga.

“Tila” ang carrier single ng album na binigyan nya ng panibagong bihis at tunog mula sa orihinal na umawit nito na si Clara Benin. 10 songs ang laman ng album.

Kwento pa ng sexy-singer, ngayon ay napapakinggan na ito sa mga radio stations at talaga namang pwede nang sumunod sa hit song nya noong 2007.

“I’m thankful, I’m still here. Ang daming artistang pumapasok. Nararamdaman ako. Dati kanta lang, ngayon umaarte na rin.”

Ano pa ba ang gusto nyang mangyari para sa kanyang career?

“Nangangarap akong magkaroon ng lead role sa isang serye. Another hit song. Successful concert. Movie rin na ako ‘yung lead.”

Speaking of concert, may upcoming show sya sa Sta. Rosa Sports Complex sa Nov. 30 at sa March naman ang inaabangang major solo concert ni Ronnie sa Kia Theatre at ang Pop Star Royalty Sarah Geronimo ang magsisilbing special guest.

Si Sarah ang isa sa mga malalapit na Viva artists sa kanya na always nyang nakakatambal sa shows sa abroad.

Nag-audition ng 300 beses, nagkaroon ng hit song na hanggang ngayon ay pinapakinggan sa radyo, may bagong album, 12 years na sa industriya, sinubok sa showbiz, at ngayon ay nananatiling nakatayo dahil para sa kanya, “naniniwala ako sa God’s perfect timing at minsan ganun talaga, you have to wait.”

Read more...