Marcos may sakit kaya hindi dumalo sa promulgation ng kanyang kaso

Inquirer file photo

Naglabas na ng paliwanag si dating unang ginang at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kung bakit hindi siya nakadalo sa promulgation ng kanyang kaso sa Sandiganbayan noong nakaraang linggo.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Marcos na mayroon siyang sakit kaya pinagsabihan siya ng kanyanyang mag duktor na maging maingat sa kanyang kalusugan.

Mataas rin umano ang tsansa na magkaroon siya ng atake sa puso o stroke kapag nasa isang stressful na kalagayan.

“The accused was suffering from multiple organ infirmities and was under strict orders from her physician to refrain from stressful conditions that will put her at risk for heart and brain attack and recurrence of seizure,” bahagi ng isinumiteng paliwanag ni Marcos sa Sandiganbayan.

Nauna dito ay binatikos ng ilang mga grupo ang hindi pagdalo ni Marcos sa promulgation sa kanyang kaso pero siya nakitang nakisaya sa birthday ng kanyang anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Kasama ng dating unang ginang sa nasabing party sina Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Mayor Sara Duterte.

Umaasa rin ang mga kritiko ng pamilya Marcos na kaagad na maglabas ng arrest warrant ang hukuman para makulong ang 89-anyos na dating first lady.

Si Marcos ay nahatulang guilty sa seven counts ng graft sa 5th Division ng Sandiganbayan.

Read more...