Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, partikular na tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa Kasiyahan Street.
Nagsimula ang sunog dakong 12:24 ng hapon at makalipas ang ilang minuto ay itinaas sa ikalawang alarma.
Naging mabilis naman ang pagresponde ng mga bumbero, kaya pasado 1:04 ng hapon ay fire under control na ang sunog.
Nasa walong pamilya ang apektado ng sunog, habang tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng insidente.
Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES