Pagpasa ng Senado sa Rice Tarrification Bill, ikinatuwa ng Malakanyang

 

Welcome sa Malakanyang ang paglusot sa Rice Tarrification Bill sa senado.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa nakalusot na sa Mataas na Kapulungan ang naturang panukala, tiyak nang mapadadali ang pagpapatibay nito sa Bicameral Conference Committee.

Sa ilalim ng Rice Tarrification Bill, mabibigyan-laya ang mga rice trader na umangkat ng bigas sa ibang bansa basta’t magbabayad lamang ng kakulang taripa sa gobyerno.

Sinabi ni Panelo na sa ganitong paraan, matutugunan na ang problema sa kakapusan ng suplay ng bigas at mapapababa ang presyo nito at mapapangalagaan ang industriya ng bigas.

Matatandaang sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tarrification Bill para mapadali ang pagpasa nito.

 

Read more...