Pang. Duterte sa pagiging no-show niya sa ilang ASEAN events: “What’s wrong with my nap?”

 

“What’s wrong with my nap?”

Yan ang naging sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil ilang puna sa kanyang kabiguang makadalo sa ilang events sa 33rd Association of Southeast Asian Nations o Asean Summit sa Singapore.

No-show ang presidente sa anim na meetings sa regional leaders ng ASEAN, kaya si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na lamang ang humalili.

Tanong ni Pangulong Duterte, ano ang masama sa kanyang power nap at ni-hindi nga raw siya kumakain ng agahan.

Nang matanong naman ng media kung naging nagkaroon na siya na maayos na tulog, tugon ng punong ehekutibo ay hindi raw sapat pero ubra na rin para sa mga susunod na araw ng ASEAN.

May mga schedule pa ang presidente kaugnay sa ASEAN summit sa Singapore.

At pagkatapos ng summit ay diresto naman ang chief executive sa Papua New Guinea.

 

Read more...