Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, lahat ng public utility vehicle o PUV operators na interesado na bumiyahe ng labas sa kanilang ruta ay maaari nang maghain ng kanilang petisyon at makakuha ng permit.
Sinabi ni Delgra na 25 porsyento lamang ng kabuuang authorized units kada prangkisa ang papayagan.
Lahat ng units na i-aapply ay dapat hindi hihigit sa sampung taong gulang mula sa panahong ilabas ito sa manufacturing firm.
Nilinaw pa ng LTFRB na ang mga operator na may certificate of public convenience na iisa lang ang unit ay hindi bibigyan ng special permit.
Huwag ding kalimutan ng operators na tukuyin sa kanilang petisyon ang kanilang terminal at ruta ng destinasyon .
Magkakabisa ang biyahe ng mga bus na may special permit simula Disyembre 23, 2018 hanggang Enero 3, 2019.