Nagsagawa ng supresang inspeksyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang pampublikong pamilihan sa Metro Manila.
Sa Kamuning Market isa-isang tinanong ni BFAR National Director Eduardo Go-Ngona ang mga tindera ng isda.
May isang tindera na tila nagpasaring sa hepe ng BFAR hingil sa presyo ng galungong.
Sa pag-iikot ng BFAR sa mga ilang pamilihan sa Metro Manila ay nadiskubre nila na ang presyo ng galunggong ay naglalaro sa P160 hanggang P200 kada kilo.
Habang ganun rin ang presyo ng bangus.
Nakita rin ni Go-Ngona walang pinagkaiba ang presyo ng imported at lokal na galunggong.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang BFAR dahil sa kabila ng normal na ang suplay ng galunggong at bangus ay mataas pa rin ang presyo nito sa mga palengke.