CHR hinimok ang PNP na palakasin ang pagpoprotekta sa mga kababaihan

Ikinadismaya ng Commission on Human Rights (CHR) ang panibagong kaso tungkol sa panghahalay umano ng isang pulis sa kapwa pulis sa Palawan.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Jaqueline de Guia na hindi lamang paglabag sa code of conduct ang ginawa ni PO3 Jernie Languian Ramirez, kundi nakaaapekto rin ito sa kredibilidad ng pulisya sa pagprotekta sa mga kababaihan.

Kamakailan lamang ay ginahasa umano ni Ramirez ang isang bagitong babaeng pulis habang sumasailalim sa training sa loob ng Joint Maritime Law Enforcement Training Center sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon kay de Guia, dapat ang mga pulis ang ehemplo at nangunguna sa pagprotekta sa mga karapatang pantao, lalo na sa mga kababaihan.

Kaya naman hinimok ng CHR ang Philippine National Police (PNP) na bilisan ang aksyon sa insidente at mga katulad pang krimen at paglabag bilang bahagi ng internal cleansing ng pambansang pulisya.

Read more...