Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patuloy silang mamamahagi ng fare matrix sa mga jeepney drivers.
Ito ay habang nakabinbin pa rin ang pagtalakay sa petisyon na layong ipabasura ang kanilang inaprubahang P2 taas-pasahe sa jeep.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, napagdesisyunan na ng board na magtakda ng pagdinig ngayong buwan para sa petisyon.
Hindi pa naman kung kailan ang tiyak na petsa para rito.
Naghain ng petisyon ang grupong United Filipino Consumers and Commuters sa LTFRB para ipabasura ang taas-pasahe dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis.
Samantala, sinabi rin ni Delgra na ipopost din online ang fare matrices.
Ang fare matrix anya ay nagkakahalaga ng P570 sa kabila ng ilang ulat na nagsasabing P610 ang halaga nito.