1 patay, 4 arestado sa operasyon sa Valenzuela City

Contributed photo

Dalawang magkahiwalay na operasyon ang isinagawa ng mga otoridad sa Barangay Malanday, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat katao at pagkamay ng isang lalaki.

Kinilala ng mga elemento ng Valenzuela City Police ang nasawing drug suspek na si Christian Padilla.

Ayon sa mga otoridad, nakabili sila ng dalawang sachet ng shabu mula kay Padilla ngunit nang aarestuhin na ito ay biglang tumakbo ang suspek, kasabay ng pagpapaputok nito ng baril sa mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan ng bala sa katawan si Padilla.

Isinugod pa sa Dalandanan Emergency Hospital ang nabanggit na suspek ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kasabay nito ay isa pang operasyon ang ikinasa ng Valenzuela City Police kung saan naaresto sina Amado Candelaria, Jonathan Padilla, Jaime Javier, at Jordan Giron.

Sa kabuuan, nasamsam mula sa operasyon ang 14 na pakete ng shabu, isang kalibre .38 baril, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...